ISSN: 2984-7176 (Print) | 2984-7184 (Online)
PUBLISHER: Guild of Educators in TESOL International Institute
PUBLICATION FORMAT: Online
FREQUENCY: Quarterly (Feb, May, Aug, Nov)
LANGUAGE: English | Filipino
ESTABLISHED: 2023
VOLUME: 1
ISSUE: 4
PUBLICATION YEAR: 2023
AUTHOR(S): Joseph C. Anggot
Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology
Ang pag-aaral na ito ay may layuning suriin ang kahandaan ng mga SHS-ICT student graduate ng Arellano University sa mundo ng pagtatrabaho. Gawing basehan ito sa pagbuo ng career guidance intevention program. Sa pagsasakatuparan nito, nagsagawa ang mananaliksik ng isang kwalitatibong pag-aaral na may disenyong penomenolohikal. Isinagawa ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang focus group discussion na kung saan kinakasangkutan ito ng anim (6) na kalahok na nagtapos ng ICTS strand mula taong panuruang 2019 hanggang 2022. Batay sa naging resulta ng diskusyon, lumalabas na ang mga mag-aaral ay nagpakita ng kahandaan sa pagtatrabaho. Natuklasang malaking tulong ang mga kasanayan kanilang natutunan mula sa kumpanyang kanilang pinapasukan upang magtagal sila sa kanilang trabaho. Halimbawa nito ay ang kakayahan sa kahusayan sa pamumuno at pakikipag- ugnayan; at pagiging propesyunal kumilos at mag-isip. Ang pagiging responsable at komited sa trabaho; at kumpetitiv at nagagawang ilapat ang mga natutunan naman ay ang mga kasanayang natamo ng mga mag-aaral sa paaralang kanilang pinagtapusan. Ang mga nasabing tema na lumutang sa naganap na FGD ay siyang naging basehan sa pagbuo ng interbasyon. Ang mga gawaing nakapaloob ay ayon na rin mula sa mungkahi ng mga eksperto. Sa kabuoan, iminumungkahi ng mananaliksik na maaring gawing batayan ng bawat paaralang nagkakaloob ng ICT strand ang kanyang pag-aaral sa pagbuo ng sarili nilang career guidance intervention program.
career guidance intervention program, focus group discussion, ICT student graduate
Anggot. J. C. (2023). PENOMENOLOHIKONG PAGSUSURI SA KAHANDAAN NG MGA SHS-ICT STUDENT GRADUATE SA PAGTATRABAHO: BASAHEN SA PAGBUO NG CAREER GUIDANCE INTERVENTION PROGRAM. GUILD OF EDUCATORS IN TESOL INTERNATIONAL RESEARCH JOURNAL, 1(4), 42–50.
https://doi.org/10.5281/zenodo.10298976
GET INTERNATIONAL RESEARCH JOURNAL IS INDEXED BY:
PLAGIARISM CHECKED BY:
This work is licensed under Creative Commons Attribution-ShareAlike 4.0 International